AKO ang simula

Posted: June 12, 2010 in mission
Tags:

Ipinagdiriwang sa araw na ito ang kalayaan ng Pilipinas.  Sa araw na ito ay ipinahayag ng unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, si Hen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa mga Kastila.  Ang Batas Republika 4166 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964 ang siyang nagdeklara ng pagdiriwang at pagpupugay sa kalayaan ng Pilipinas sa araw na ito.

Sa araw na ito, nawa’y maisapuso nating lahat ang kahalagahan ng kalayaang ating tinatamasa.  Simula sa araw na ito, nawa’y lalo nating pag-ibayuhin at pagsikapang itayong nuli ang kagitingan ng Pilipinas.  Ako ang simula, ika nga ng  kampanya ng ABS-CBN noong nakaraang halalan.  Ngunit nawa’y hindi hanggang eleksiyon lamang nagtatapos ang pusok na ating nararamdaman.

Ako ang simula.  Isang pangungusap na ang kahulugan ay hindi nagtatapos.  Nagpapahiwatig lamang ito ng pag-usbong ng isang pagnanasa, isang adhikain.  Nangangahulugan din ng pagpapatuloy hindi lamang hanggang bukas o samakalawa ngunit hanggang sa huli.

Ako ang simula.  Malinaw na nakasaad kung saan, sino ang pagmumulan ng pagbabago – AKO.  Bawat isa sa atin.  Bawat Pilipino.  Sa atin magsisimula ang pagbabago.  Sa atin magsisimula ang pag-unlad.  Hindi dapat natin i-asa ito kaninuman sapagkat tayo lamang ang makakatulong sa ating sarili.  Sa atin dapat magsimula.  Hindi kay mayor.  Hindi kay GMA.  Hindi kay P-Noy.  Sa atin.  At sana ngayong Araw ng Kalayaan ay muling maisapuso ng bawat Pilipino ang adhikaing ito.  At sa tulong ng bagong administrasyon, kasama ng pagkakaisa ng bawat Pilipino, ating muling itayo ang ating bandila at muling ipagpugay ang perlas ng silangan, ang PILIPINAS nating mahal.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s